SINIBAK na ang jail warden ng Quezon provincial jail makaraan ang madugong riot sa kulu-ngan na ikinamatay ng apat bilanggo at pagkasugat ng 28 iba pa kamakalawa.
Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology regional director, Chief Supt. Serafin Barretto, sinibak si Chief Inspector Princesito Heje upang bigyang daan ang imbes-tigasyon.
Magugunitang sumugod ang Lucena police sa Quezon provincial jail nang magprotesta ang 100 bilanggo laban sa paglipat ng isa nilang kasamahan sa ibang kulungan.
Nang dumating ang mga pulis ay inatake ng mga bilanggo dahilan upang magkaputukan na naging dahilan ng magudong insidente.
Bunsod nito, nais malaman ng BJMP kung bakit nagkaroon ng mga armas ang mga preso sa loob ng bilangguan.
Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation, Commission on Human Rights at Quezon provincial police hinggil sa insidente.