Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Walang ayawan kay kornik ‘este’ Kiko

00 Bulabugin JSY

NAG-COOL OFF lang pala ‘saglit’ si dating Senator Francis Pangilinan sa panunungkulan sa administrasyon ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III pagkatapos ng kanyang termino bilang Senador noong 2010 at matapos tumulong sa kampanya ng Liberal Party.

Matagal nang naaamoy sa Palasyo na iniuungot raw ni Kiko kay PNoy ang ‘agriculture’ post pero mukhang mas matindi ang kalawit ng kompromiso ng LP kay Proceso Alcala kaya nasungkit ng dating mambabatas mula sa Quezon.

Hayan pagkatapos ng tatlong taon ‘e itinalaga na rin ni PNoy bilang Presidential Assistant for Food Security and Agricultural Modernization ang dearest husband ni Madam Megastar Shawie.

Sa kanyang Twitter ay sinabi ni ex-Senator and now presidential assistant Kiko na, “It isn’t easy leaving the simple farming life and the rural setting to rejoin government. Duty Calls.”

Hmmnnn…Ows talaga lang ha? Mukhang after three years ‘e handa nang humarap si Secretary Kiko para sa kanyang posisyon.

Mukhang nakapagpraktis siya nang husto sa kanyang 3-hectare ‘organic’ SweetSpring Country Farm (SCF) sa Alfonso, Cavite.

Kung hindi tayo nagkakamali, ipinagbili ni Madam Shawie ang kanyang properties sa Wack Wack at ibinili ng bahay sa Silang, Cavite at doon na rin sila bumili ng farm sa Alfonso, Cavite.

Masipag din pala magpundar si Secretary Kiko.

Kabilang sa kanyang hahawakan ‘e ang problematic agencies gaya ng National Food Authority (NFA), National Irrigation Administration (NIA), Bureau of Fisheries, Philippine Coconut Authority (PhilCOA), at ang Fertilizer and Pesticide Authority.

Tingnan natin kung uubra at magtatagumpay na ngayon si Secretary Kiko sa Agriculture. Medyo hindi maganda ang karera niya sa parliamentary lalo na nang suhayan niya ang pagdami ng mga batang kriminal sa pamamagitan ng iniakda niyang Juvenile Act.

Hindi ba’t dahil sa kanyang Juvenile Act ‘e maraming batang kriminal ang nakalulusot sa batas?

‘Eto lang po ang tanong ko Secretary Kiko, wala ka bang interes na tumakbo sa 2016!?

Aba ‘e kung buong puso mong tinatanggap ang posisyon na ‘yan, dapat huwag kang tumakbo sa 2016 para huwag kang mapagbintangan na magpa-FUND RAISING.

Kunsabagay, wala ka naman kahirap-hirap tuwing eleksiyon.

Kakaway lang si Mega-Shawie, swak na ang boto para sa iyo.

Sa totoo lang, si Shawie naman ang ibinoboto ng tao at hindi ikaw …

Work harder this time Secretary Kiko, para naman makabawi sa iyo ang sambayanan sa ilang taon mong pagiging senador, dahil hanggang ngayon ay wala kaming maramdamang positibo maliban nga roon sa perhuwisyong Juvenile Act mo.

Kailan mo ba ipare-REPEAL ‘yan?!

O aabangan namin ang mga bagong kabanata sa pagiging food security and agricultural modernization adviser mo ha!

Good luck Secretary Kiko!

TAKIPAN NG POSAS AYAN NA NAMAN!

O ayan, sumuko na nga si Deniece Cornejo.

Pero nagtataka pa rin tayo kung bakit tinakpan na naman ng scarf ‘yung kamay niyang nakaposas.

Bakit ba ayaw ninyong ipakita ang mga posas ninyo?  ‘E noong gumagawa kayo ng kabulastugan ‘e ang tatapang ninyo at ang kakapal ng mukha ninyo.

Nang may posas na kayo, nahihiya na kayo?

Onli in da Pilipins lang talaga na ‘yung mga suspek ay tinatakpan ang posas nila at nakapipili pa kung saan nila gustong makulong.

Hindi pa raw maihatid sa regular na kulungan si Deniece kasi maghahain pa ng motion to bail ang abogado nila.

Ang galing n’yo naman! Palakpakan!

By the way, hindi ba’t nariyan sa Camp Crame ang  mga dating ka-negosyong HENERAL ni Cedric Lee?!

Kaya siguro, pa-relax-relax lang si Deniece ngayon d’yan!?

 

 Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …