Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Chinese teacher ‘binugbog’ sa airport (BI NAIA confidential agent under hot water)

050714_FRONT
ni Jerry Yap

PINAG-AARALAN nang sibakin ang isang Immigration confidential agent (CA) na natukoy sa isang recorded video shot na siyang kumaladkad, nanampal at nambugbog sa isang lady Chinese national na pinigil pumasok sa bansa kahapon ng madaling araw.

Sa isang recorded video shot na kumalat sa internet, nakitang kinakaladkad ni Immigration confidential agent Rashid Rangiris ang isang babaeng dayuhan na kinilalang si Jiang Huiyiang dakong 2:30 a.m. kahapon sa Ninoy Aquino International Airport  (NAIA) Terminal 3.

Ayon sa mga kasamahan ni Rangiris, na tumangging magpabanggit ng pangalan, si Jiang ay nabistong nagtatrabaho bilang teacher sa Xavierville School ngunit wala siyang permiso o work visa para magtrabaho sa bansa.

Dahil dito, kinailangan siyang agad ipa-deport palabas ng bansa o pabalikin kung saan siya nagmula.

Ngunit naging matindi ang pagtutol ng babaeng Chinese, nagwala hanggang kagatin ang CA na si Rangiris.

Sa pagkakataong ito, kinaladkad umano ni Rangiris si Jiang patungo sa Immigration isolation room para mapigil ang kanyang pagwawala.

Pero patuloy na nanlaban ang babae hanggang makita sa video na sinungalngal, sinampal at itinulak siya ng Immigration agent sa tinukoy na isolation room sa  NAIA T3.

Dahil sa kumalat na video sa social network sites agad pinaimbestigahan ni Immigration Commissioner Siegfrid Mison ang insidente at nakipag-ugnayan sa Chinese Embassy dahil sa pagtutol ni Jiang na siya ay ipa-deport.

Isinusulat ang balitang ito, nabatid na nanatili si Jiang sa isolation room ng Immigration Intelligence Unit sa NAIA.

Habang iniimbestigahan naman ang inasal at pananakit ni Rangiris sa dayuhan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …