Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tsekwa timbog sa shabu

ARESTADO  sa National Bureau of Investigation Anti-Organize and Transnational Crime Division (NBI-AOTCD ) ang  Chinese national nang mahulihan ng shabu sa isang condo unit sa Binondo, Maynila, kahapon.

Iniharap sa media  ni NBI Director Virgilio Mendez ang suspek na si Albert So, nasa hustong gulang, ng 15- B Lee Tower Condominium, Sabino Padilla Street, Binondo.

Ayon sa NBI-LAGDO na pinangunahan ni agent Moises Tamayo, natanggap nila ang warrant of arrest  laban sa isang Jaime Chua sa kasong  Violation of Section 6 Article II of Republic Act 9165, na nagtatago sa isang condo sa Binondo.

Dahilan para magsagawa ng follow-up ope-ration ang awtoridad sa nasabing lugar na naging dahilan upang maaresto si So nang hindi maabutan ng mga awtoridad si Chua.

Narekober ng mga awtoridad ang limang transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu at iba pang drug paraphernalia.

Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso si So.

(leonard basilio)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …