DINAGSA ng mga taong may iba’t ibang sakit ang 9-anyos faith healer sa Zamboanga City
Si Ernesto Jailani, Jr., alyas Santino, pinaniniwalaang may kakayahan na magpagaling ng mga maysakit sa pamamagitan lamang ng paghawak sa kanyang katawan.
Ayon sa ama ng bata na si Ernesto Sr., nabatid ng kanyang anak ang kakayahan sa panggagamot sa gulang na 3-anyos, makaraan makita siyang nakikipaglaro at nakikipag-usap sa imahe ng Sto. Niño.
Ilang mga tao ang nagsabing pinagaling ang kanilang sakit ng nasa-bing bata, bagama’t hindi kinikilala ng Simbahang Katoliko sa lugar ang ginagawang panggagamot ni Jailani.
Binigdyang-diin ng ama na hindi tumatanggap ang kanyang anak ng bayad sa kanyang serbisyo. (KARLA OROZCO)