Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sanggol, paslit tostado sa sunog

DAGUPAN CITY – Patay ang magkapatid na sanggol at paslit nang masunog ang kanilang bahay sa bayan ng Villasis sa Pangasinan.

Ayon kay PO3 Gilbert Paganit ng Villasis-Philippine National Police, magkahawak pa ang kamay ng magka-patid na sina Anthony Canibas, Jr., 4-anyos, at Mark Laurence Canibas, isang taon gulang, nang matagpuan ng mga miyembro ng Bureu of Fire Protection (BFP) – Villasis sa hinihigaan nilang papag.

Sinasabing iniwan ng mag-live-in partner na sina Anthony Canibas at Mary Grace Tabuno ang dalawa nilang anak habang natutulog para manood ng pagdiriwang ng pista ng kanilang barangay.

Ngunit paglipas lamang ng ilang saglit ay tinupok ng apoy ang bahay na agad naabo dahil gawa lamang sa light materials.

Sinasabing posibleng natabig ng isa sa mga bata ang lamparang nasa gilid ng kama na iniwan ng kanilang mga magulang.

Nadamay rin sa sunog ang tatlo pang kabahayan.

(BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …