Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 PNoy Cabinets no ‘K’ sa P515-M PDAF probe

UMALMA ang Palasyo sa akusasyon na walang “K” ang tatlong miyembro ng gabinete na inatasan ni Pangulong Benig-no Aquino III na mag-imbestiga sa kwestiyonableng P515 milyong pork barrel na ibinigay sa National Commission on Muslim Filipinos sa pamamagitan ng Office of the President.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi  sangkot sa isyu sina Budget Secretary Florencio Abad Jr., Executive Secretary Paquito Ochoa at Cabinet Secretary Rene Almendras kaya sila ang napili ng Pangulo na magsiyasat sa isyu.

Kung  kinukwestyon aniya ni Senador Sergio Osmena si Abad dahil siya ang nagpalabas ng kinuwestyong pondo, ito ay dahil  tungkulin ng Department of Budget and Management (DBM) na  ilabas ang pondo sa ahensyang dapat na paglaanan nito.

Nabatid sa 2012 report ng Commission on Audit (CoA), ang P515 milyong pork barrel ng mga mambabatas ay idinaan sa NCMF at ibinigay sa foundations at non-government  organizations, na ang iba’y kontrolado ni Janet Lim- Napoles.

Muling banat ng senador sa Malacañang kamakalawa, tiwali ang mga taong nakapaligid kay Pangulong Aquino, at National Bureau of Investigation (NBI) ang dapat na mag-imbestiga sa sinasabing P515 milyong NCMF anomaly.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …