ARESTADO ng mga awtoridad ang estudyante ng De La Salle University sa Taft Avenue, Maynila, sa isinagawang buy-bust operation sa Malate, iniulat kahapon
Sa ulat ng pulisya, kinilala ang suspek na si Prahbijot Gill (y Singh), Indian national, 18-anyos, residente ng 462 Antipolo St., Sampaloc.
Dakong 2:00 p.m. nagsagawa ng buy-bust ang pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Manila Police District Station 9 sa 1509 East Tower, One Archers Place sa Taft Avenue, kadikit ng DLSU campus.
Sa naturang operasyon, nakompiska sa suspek ng mga nagpanggap na buyer, ang 223 piraso ng ecstacy na tinatayang nagkakahalaga ng P334,550.
Sa imbestigasyon, ang suspek ay tinukoy na supplier umano ng illegal drugs sa Metro Manila at Region 3, karamihan sa kanyang mga parokyano ay mayayamang estudyante.
Ang suspek ay sasailalim sa inquest proceedings sa paglabag sa Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, isang non-bailable offense.
(leonard basilio)