INAATAKE ng malala-king lamok ang ilang mga residente sa Maynila at Pasig.
Ayon sa mga residente, perhuwisyo ang nasabing mga lamok na masakit kapag ‘nanga-gat’.
Sinasabing isang buwan nang pinuputakte ng malalaking lamok ang mga residente sa lugar, at bukod sa dinig ang ugong kapag natapat sa tainga ay nagdudulot ng pantal ang kagat nito.
Bunsd nito, guma-gamit ng kulambo at nagkukumot ang mga re-sidente kahit mainit.
Napansin din ng mga residente na tuwing 5 p.m. nagsisimulang maglabasan ang mga lamok.
Samantala, inihayag ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM), ang naturang lamok ay karaniwang lamok sa bahay at maituturing na normal lamang ang laki.
Wala rin aniyang dapat ikabahala sa nabanggit na lamok dahil bagama’t masakit ma-ngagat, hindi ito ang uri ng lamok na pinagmumulan ng sakit gaya ng dengue.
Ngunit payo ng Department of Health, da-pat ugaliin ang paglilinis ng kapaligiran para hindi dumami ang mga lamok.
Ang pagdami anila ng mga lamok ay indikas-yon na may problema sa kapaligiran, tulad ng kalinisan o nagpapabaya sa nakaimbak na tubig.
(LANI CUNANAN)