Kasabay ng pagpasok sa ikalawang taon bilang lider ng Simbahang Katolika, itinampok si Pope Francis sa limited edition stamps ng Philippine Postal Corporation (PHLPost).
Ayon kay Postmaster General Josie dela Cruz, nakapaglimbag na ng 90,000 Pope Francis Year II 2014 stamps na nagkakahalaga ng P40 bawat isa.
Sa Biyernes, Marso 21, sabay na ilulunsad ng Filipinas at Vatican ang mga selyo sa magkaparehong disenyo.
Sa Abril, personal na ipiprisinta ni Dela Cruz ang stamps sa Holy See kasabay ng corridor marketing campaign ng PHLPost sa Roma.
Bukod sa mga selyo, naglimbag din ang PHLPost ng souvenir sheets o stationery na ipapakalat sa lahat ng post offices sa buong bansa.