TINATAYANG aabot sa milyon mga botante ang posibleng ‘di makaboto sa 2016 elections sa dahilang wala silang biometrics, kahit pa sila registered voter.
Sa ipinahayag ni Comelec spokesperson James Jimenez, marami sa mga registered voters na nasa master list ang wala pang biometrics.
Sila ang mga botanteng nakapagparehistro bago pa ilunsad ang modernisasyon sa voters registration noong 2004, nu’ng hindi pa computerized ang records kabilang ang thumb mark o biometrics, ang picture at pirma.
Ani Jimenez sa mga nagdaang halalan ay maaaring nakaboto pa sila, ngunit sa 2016 ay ‘di na papayagang bumoto ang mga walang biometrics.
Mahigit isang taon ang palugit na ibinibigay ng comelec sa mga botante upang i-validate ang kanilang registration
Maaaring magtungo sa Comelec office na nakasasakop sa address ng botante mula Mayo 6 (2014) hanggang Oktubre 2015.
(leonard basilio)