Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Raket ni Dinky ibinisto ng madre (Cash for testimony ng Yolanda victims ‘pampabango’ ng DSWD)

031214_FRONT

HINAMON ng Malacañang ang madreng nagbulgar ng sinasabing “cash-for-testimony” raket ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Dinky Soliman para pabanguhin ang imahe ng DSWD sa Yolanda relief operations, na maglabas ng ebidensya kaugnay sa nasabing anomalya.

Hamon ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., kay Benedictine Sister Edita Eslopor na magharap ng konkretong katunayan dahil hindi aniya tungkulin ng pamahalaan ang lumabag sa batas.

“Tungkulin po namin ang magpatupad ng batas, protektahan ang kapakanan ng mga mamamayan, kaya kung sino man ang nagpaparatang na ang ginagawa ng pamahalaan ay taliwas doon, tungkulin din nilang magpakita ng kongkretong pruweba at hindi makatwirang dungisan ang karangalan ng sino mang opisyal nang walang batayan,” ani Coloma.

Inakusahan ni Eslopor, convenor  ng People Surge Alliance of Yolanda Victims, si Soliman ng pagbabayad ng P1,200 sa mga biktima ng bagyong Yolanda kapalit ng lagda sa isang testimonya na kontento siya sa ginagawa ng pamahalaan sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad.

Mariing itinanggi ni Soliman ang akusasyon ngunit depensa sa kanya ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, maaaring “impostor” lang ng DSWD secretary ang gumagawa nito kaya hinamon ang People Surge na magbigay ng mga pangalan ng DSWD staff na sangkot dito.

ni ROSE NOVENARIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …