Friday , November 22 2024

Recall vs Alvarado malabo — Bulacan LMPL

MALOLOS CITY-Malabo at hindi mananaig  na tila isang ‘suntok sa buwan’ ang isinusulong na recall election laban kay Bulacan Governor Wilhelmino Sy-Alvarado makaraang magpahayag ng suporta ang may 80 porsiyentong miyembro ng League of Municipalities of the Philippines Bulacan Chapter para sa kasalukuyang gobernador upang hindi maisulong ang protesta.

Ayon kay Pandi Mayor Enrico A. Roque, pangulo ng Bulacan-LMP, todo ang  suporta ng city at municipal mayors para kay Alvarado upang hindi matuloy ang ginagawang hakbang ng mga oposisyon laban sa kasalukuyang gobernador.

Patunay na rito ang mahinang kakayahan ng mga nagsasagawa upang mai-sulong ang recall election na isang paraan ng maagang pamomolitika na kinakai-langan makalikom ng 10 porsiyento pirma mula sa 1.5 milyong botante upang katigan ang recall.

Sinabi ni Roque, 19 mula sa 24 alkalde sa mga lungsod at bayan sa Bulacan ay nagpahayag ng pagsuporta kay Alvarado at nangakong hindi makali-likom kahit 3% ang isinasagawang pagpapapirma ng mga kalaban ng gobernador.

“Ang majority ng Bulacan LMP ay patuloy na naniniwala sa magagandang layunin at programang isinasagawa ni Gob Alvarado kaya hanggang ngayon ay tuloy-tuloy ang pagtaas ng antas at progreso ng buong lalawigan dahil nga sa mahusay ni-yang performance,”ayon kay Roque.

Kabilang sa mga programa ay ang seven point agenda ni Alvarado na na-ging sandigan ng mga alkalde upang palakasin ang liderato ng kasaluku-yang administrasyon.

“Paanong mananaig ang isinusulong na ‘recall’ gayong halos lahat kami sa LMP at maging sa barangay ay nakasuporta para kay Gob. Alvarado”, dagdag ng alkalde.

Ayon kay Roque, hindi nagpapaapekto si Alvarado sa maagang pamo-molitika ng mga kalaban niya upang linlangin ang taumbayan sa tunay na kalagayan ng lalawigan at sa halip ay patuloy lamang ang gobernador sa kanyang  pagsasaayos at pagpapanatili ng magandang antas ngayon ng lalawigan ng Bulacan.

Sinabi ni Roque, kamakailan ay kung ano-anong estratehiya ang ginawang hakbang ng mga kalaban ni Alvarado para dungisan ang maganda at matapat niyang panunungkulan na malinaw na maruming pamamaraan ng politika.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *