IPINAKIKITA sa media ni Bureau of Customs De-puty Commissioner Jessie Dellosa ang P800 milyon halaga ng mga pekeng Havaiana, Oakley, Converse, Nike, Jordan at Skechers products sa loob ng Olivarez warehouse sa Parañaque City. (BONG SON)
NAKOMPISKA ng Bureau of Customs (BoC) Intelligence Group at Intellectual Property Office (IPO) ang mga pekeng produktong mga bag at sapatos, tinatayang nagkakahalaga ng P800 milyong sa Olivarez Compound sa Barangay San Dionisio, Parañaque City, inulat kahapon.
Isinagawa ang pagsakay matapos ang tatlong linggo na surveillance na sanabing bodega ngunit walang naaresto
Narekober din sa mga bodega ang 50 sako ng “refined sand-like powder” na isasailalim pa sa chemical analysis upang matukoy kung anong uri ito ng pulbura.
Ayon sa BOC, pag-aari ng pamilya ng alkalde at kanyang amang si dating Mayor at incumbent Brgy. Chairman Pablo Olivares ang sinalakay na mga bodega.
Samantala, ayon kay Parañaque city Mayor Edwin Olivarez, hindi nila kukunsintihin ang mga iligal na gawain ninuman.
Ayon pa sa alkalde, inupahan ng ZQL Enterprises ang kanilang warehouse ng isang nagngangalang Richard Gonzales Cheng.
Binigyang diin pa ng alkalde na hindi nila pag-aari ang nakompiskang mga pekeng produkto.
“I have instructed our police chief, Senior Supt. Ariel Andrade, to conduct a separate inquiry to get to the bottom of this incident and to file charges against anyone found violating the law,” pahayag ng alkalde.
Kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines at Tarrif and Customs Code ang mga consignee at ang may-ari ng mga pekeng produkto.
Sa nakalipas na dalawang linggo, umabot na sa P1.6 bilyon ang halaga ng pekeng produktong nasamsam ng National Bureau of Investigation (NBI), BOC at IPO sa 23 magkakahiwalay na bodega sa Maynila, Pasay at Parañaque.
(LEONARD BASILIO/JAJA GARCIA)