Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pulis ng MASA ‘nanindak’ ng customer sa cowboy grill

INIREKLAMO ng pambubugbog at panggugulo ang isang grupong nagpakilalang mga tauhan at pulis ni Manila Mayor Joseph Erap Estrada,  sa isang watering hole sa Ermita, Maynila, kamakailan.

Nagtungo sa himpilan ng Manila Police District Station 5, ang pamilya kasama ang biktima, na alyas Buboy P, umano’y pinagtripan ng grupo ng nagpakilalang si PO2 Rene Lagrimas, ng Manila Action and Special Assignment (MASA), kasama ang mga tauhan umano  ni Mayor Erap.

Madaling araw ng Martes naganap ang insidente sa Cowboy Grill, nang mapagtripan ng grupo  ni  Lagrimas ang ilang sibilyan na customer sa lugar.

Sa salaysay ng biktima, masaya silang nag-iinuman nang dumaan ang isa sa apat na kasamahan ng pulis at sinipa ang inuupang silya ng kasama ng biktima.

Kasunod nito, lumapit umano ang limang kalalakihan sa grupo ng biktima at sinabing mga “Gago pala kayo, hindi n’yo ba kami kilala? Gusto n’yong patayin ko kayo ngayon dito?’

Tumayo ang grupo ng biktima at nanghingi ng paumanhin sa nagpakilalang grupo ng pulis-MASA.

Mabilis  sinagot ng biktimang si Buboy P. na ‘hindi po ako pulis sir pasensya na sir,’ sabay talikod.

Kasunod nito, pinagmumumura umano siya ni Lagrimas at pinagsu-suntok sa likuran at hinila pabalik sa mesa ng kanilang grupo.

Sa takot ng biktima, umalis siya at lumayo sa grupo ni Lagrimas saka dumeretso sa himpilan ng MPD-PS-5.

Nagresponde  ang tauhan ni PS5 Supt. Alex Yanquiling sa naturang lugar, pero hindi  inabutan ang grupong nagpakilalang mga tauhan ni Mayor Erap.

Dumulog na rin sa MPD-General Assignment Section ang biktima para sa pagsasampa ng kaukulang reklamo laban sa sigang pulis at sa grupo nito.

(BRIAN GEM BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Bojie Dy

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol …