Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Mangangalakal’ naghanap ng bakal tigbak sa bumagsak na pader

PATAY ang 48-anyos laborer, matapos madaganan ng  bumigay na pader sa isang gusali sa Muntinlupa City,  kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni Muntinlupa City Police Chief Sr. Supt. Roque Eduardo Vega, ang biktimang si Joselito Bairoy, ng Barangay Upper Sucat, namatay noon din.

Ayon kay SPO1 Eduardo Rodaje, imbestigador ng Investigation Detective & Management Section (IDMS), dakong 9:30 ng umaga nangyari ang insidente sa  bakanteng lote nasa 37 Km 23, Ibarra St., Rizal Village, Cupang.

Sa ulat, kasama ng biktima ang dalawa katao na naghahanap ng mga bakal na kanilang maibebenta.

Samantala, naghahanda na ng makakain ang dalawang kasama ng biktimang sina Jimmy Solano, 58, at Julian Macuha,40,  pawang taga-Brgy. Upper Sucat, patuloy pa sa paghahanap ng bakal si Bairoy.

Habang abala sa paghahanap ng bakal, walang kamalay-malay ang biktima na babagsakan siya ng pader mula sa itaas ng  gusali na sanhi ng kanyang kamayan.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …