Friday , November 22 2024

AF Consortium ipinabubusisi sa Ombudsman (Sa bidding ng LRT/MRT common ticketing project)

PINAIIMBESTIGAHAN sa Office of the Ombudsman ang conflict of interest ng dalawang kompanyang pag-aari ng AF Consortium sa Light Rail Transit at Metro Rail Transit common ticketing project ng Department of Transportation and Communications (DoTC).

Sa pahayag ni Atty. Oli-ver San Antonio, tagapagsalita ng Coalition of Filipino Consumers, kailangan im-bestigahan ng Office of the Ombudsman  ang  DoTC  upang malaman kung bakit pinayagang sumali sa bidding ng P1.72-billion project ang Metro Pacific Investment Corp., at Ayala Land Inc., gayong malinaw na mayroong conflict of interest ang dalawang kompanya.

Batay aniya sa bidding rules ng DoTC,  awtomatikong diskwalipikado ang alin mang kompanyang sangkot sa operasyon ng MRT o isang kompanyang may nakasampang kaso.

Ayon kay San Antonio, maliwanag na awtomatikong disqualified ang AF Consortium kaya’t marapat na itigil ng DoTC ang planong i-award sa Ayala  Land at Metro Pacific ang LRT-MRT common ticketing project na paglabag sa Section 3e ng Ombudsman Law.

Ang Coalition of Filipino Consumers ay umbrella organization ng limang urban poor groups.

“Documents submitted by AF Consortium revealed that Metro Pacific Investment Corp., owes 49 percent outstanding shares of stock of the consortium while Ayala Land owns about 18 percent. Combined, these two companies own 67 percent of AF Consortium, a direct violation of the bidding rules set by the DoTC,” anang grupo.

Ayon sa bidding rules ng modified ITPB, sa ilalim ng Section V-04 (g) sa General Bulletin noong June 2013, ang isang potensyal na bidder at ang kanyang affiliates ay dapat mayroong higit 50 percent ng outstanding voting shares ng concession ng LRT 1, LRT 2 o  MRT 3, o sinomang bidder na may aggregate nang higit sa 33 1/3 5 ng outstanding voting shares sa concessionaire ay diskwalipikado.

“Maliwanag, etong da-lawang kompanya ay may majority voting shares sa AF Consortium, at ako ay naniniwalang ang mga nasa DOTC ay alam ito, ngunit bakit napayagan. Why then, did they opted to proceed with the bidding when it knew all along that this is a big problem, to begin with? Kitang-kita ang conflict of interest,” ani San Antonio.

“Magbantay tayo. Ta-yong commuters ay dapat maging mapagmanman at pag-aralan ang sinasabi ng DoTC na ang bidding ay aboveboard at malinis.”

Umaapela si San Antonio sa DoTC na gawin lamang ang tama at iwasan ang anomang isyu na magsasanhi ng kontrobersya ng graft at corruption na maa-aring makasira sa Aquino administration.

Ang pagpayag sa isang disqualified bidder ay hindi nararapat alinsunod sa batas at nagbubukas ng judicial scrutiny.

(MON ESTABAYA)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *