Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

5 arestado, 16 babae nasagip sa human trafficking

CAMP OLIVAS, Pampanga – Kalaboso ang lima katao habang 16 kababaihan ang nasagip sa human trafficking sa pagsalakay ng mga awtoridad sa isang bar sa red light district ng Angeles City, Pampanga.

Ayon kay Central Luzon Police director, Chief Supt. Raul Petra Santa, huli sa akto na umiistema ang assistant bar manager ng Shadow Bar sa E. Santos sa bayan ng Balibago, na si Marissa Gayo, 32, nakatira sa Sto. Tomas, Sta. Maria, Bulacan, at apat pang kasamahan na sina Beverlyne Balaba, 38; Mary Grace Terado, Mary Jane Pama, at Melanio Cruz Jr., 68, caretaker, pawang ng lalawigan ng Pampanga.

Nasagip naman ang 16 kababaihan na hinihinalang pawang menor de edad ang karamihan.

Ang pagsalakay ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng International Justice Mission, non-governmental organization, na tumututok sa pagsugpo sa human trafficking na laganap sa bansa.           (RAUL SUSCANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …