Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Amang pumatay sa mag-ina timbog

INIHARAP kahapon sa mga mamamahayag ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, ang pangunahing suspek sa pagpatay sa kanyang mag-ina, dahil sa matinding selos, matapos maaresto nitong Martes ng hapon, sa isang hotel sa Tuguegarao City, Cagayan.

Sasampahan ng kasong double parricide ng pulisya ang suspek na si Danilo Rafael, Sr., 55, matapos patayin ang kanyang mag-inang sina Fe Rafael, 54, at Danilo, Jr., 18.

Sa follow-up operation ng Parañaque city police, natunton si Danilo, Sr.,  sa isang hotel sa Tuguegarao City, Martes ng hapon at nakuha ang isang caliber  .45 at siyam na bala na ginamit umano sa  pagpatay sa  asawa’t anak.

Walang kaanak o kakilala si Danilo, Sr., sa Cagayan, pero isang impormante ang nagturo sa suspek na nagtatago sa nasabing  probinsiya.

Inamin ni Danilo, Sr., sa harap ng alkalde at Parañaque city police chief Sr. Supt. Ariel Andrade, na napatay niya ang kanyang mag-ina sanhi ng  matinding galit at selos.

Ikinatwiran ng suspek na hindi niya binalak ang pagpatay sa kanyangmag-ina at self-defense lamang ang nangyari.

Nagawa niyang barilin ang anak at tinakpan niya ng unan upang hindi lumikha ng ingay bago isinunod ang misis.

Inilagay niya ang mag-ina sa compartment ng sasakyan at dinala sa harapan ng bahay ng kanyang biyenan sa  Multinational Village, Barangay Moonwalk.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …