Saturday , November 23 2024

Tropang militar pinapasok sa iskul (DepEd pinagpapaliwanag ng Palasyo)

PINAGPAPALIWANAG ng Palasyo ang Department of Education (DepEd) hinggil sa ulat na naglabas ng memorandum ang kagawaran na nagpapahintulot sa tropang militar na pumasok sa mga silid-aralan sa elementary at high school upang magsagawa ng civil-miltary operations.

“Kailangan pag-aralan natin ‘yan upang maunawaan at kung may ganyang concerns ay maihatid sa mga pinuno ng DepEd para maipaliwanag nila sa mga mamamayan kung ano ang kadahilanan sa likod ng ganitong patakaran,” ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma, Jr.

Napaulat na ang nasabing memo ng DepEd ay inalmahan ng ilang mambabatas dahil militarisasyon ito sa batayang edukasyon.

Sabi naman ni Coloma, isa ito sa tinutulan noong siya’y estudyante pa sa University of the Philippines (UP) dahil ang batayang prinsipyo ay konsepto ng academic freedom.

“Kahit saan naman ay hinahangad ng mga guro na makapagturo nang walang ligalig o panganib sa pagdaloy ng impormasyon at kaalaman. Sa panig naman ng mga mag-aaral, siyempre,  ayaw  rin nila iyong sitwasyon na magkakaroon ng ligalig ang kanilang kapaligiran,” ani Coloma.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *