UMAKYAT na sa 34 ang kompirmadong patay, pito ang nawawala habang 65 ang nasugatan bunsod ng patuloy na pag-ulan dulot ng Low Pressure Area sa Mindanao.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, hanggang 6 a.m. kahapon, 16 ang namatay sa Region 11; 15 sa CARAGA region; dalawa sa Region 10, habang isa ang patay sa Region 9, karamihan sa mga biktima ay nalunod at natabunang ng gumuhong lupa.
Pinakahuling nadagdag sa talaan sin Norvin Alvarez, 24, natabunan ng lupa sa Davao Oriental; Ana Marie Ocite, 2, nalunod sa Agusan del Sur at Lisa Moreno, 39, nalunod sa Surigao del Norte. (DANG GARCIA)