Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Guro sibak sa sex video

LAOAG CITY – Humingi man ng dispensa ay sinibak pa rin ang guro sa isang pribadong kolehiyo sa lungsod ng Laoag dahil sa sinasabing kanyang sex video na kumalat sa isang porno website sa internet.

Inamin ng pamunuan ng Northern Christian College na agad isinailalim sa due process ang guro na personal na umamin at kinompirma ang pagkakaugnay sa sex video.

Kasama sa sex video ang isang graduating student sa naturang paaralan.

Ayon kay Dr. Cesar Agnir, pangulo ng Northern Christian College, ang pagsibak sa guro ay rekomendasyon ng ethics committee ng paaralan matapos ang isinagawang imbestigasyon.

Ang guro ay tinanggal noon pang Enero 8 ng taon na ito.

Nagbabala pa si Dr. Agnir na kakasuhan ang estudyanteng kasama ng guro sa sex video kapag mapatunayan na siya ang nag-upload sa video.

(BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …