Thursday , June 4 2026

2 barko sumadsad 300 pasahero ligtas

LIGTAS na ang mahigit 300 pasahero, matapos sumadsad ang dalawang barko sa bahagi ng Mactan Island at Leyte kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesman Commander Armand Balilo, unang sumadsad ang barko ng Medallion Transport  dakong 2 a.m. sa bahagi ng Leyte. Dito ay naisalba ang 90 pasahero na nagmula sa Cebu City.

Ikalawang sumadsad ang barko ng Robles Shipping sa Mactan Island bandang 5 a.m. Dito ay naisalba naman ang 237 pasahero mula sa Cebu.

Sa ngayon ay nasa area na ang mga tauhan ng PCG para maitawid ang mga sakay ng dalawang barko.

Ngunit hihintayin muna ang high tide para mahila ang mga sumadsad na sasakyang pandagat.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …