Friday , November 22 2024

Arabiano arestado (Buhok ng 12-anyos anak hinaplos)

NANGINGILID ang luha ng 52-anyos Arabiano, matapos siyang ipakulong  ng ina ng kanyang anak sa Maynila, na kanyang inakbayan at hinaplos ang buhok  nang sila ay magkita kamakailan.

Ang dayuhan na si Fouad Abdulla Al-Mushsin, ay inaresto ng pulisya dahil  sa reklamo ni  Luisa Villacorta, alinsunod sa paglabag sa Republic Act 7610 o acts of lasciviousness matapos umanong hipuan ng Arabyano ang 12-anyos nilang  anak na si Krizia.

Kasama ng ginang na nagtungo sa  Manila Police District Women’s and Children’s Desk ang barangay kagawad ng Barangay 668, Zone 72, na si  Jeremias Ramos.

Ayon sa pulisya, dakong 11:30 ng gabi naganap ang panghihipo ng dayuhan sa biktima  na umupo sa kandungan ng  suspek sa loob ng tinutuluyang hotel.

Gayonman, sa panayam ng pahayagang ito kay Fouad, retiradong kawani ng Sudan ARAMCO, nakabase sa Saudi Arabia, nang magkita sila ng complainant at kanyang anak ay sabik umanong naupo sa kanyang kandungan ang bata.

Dahil aniya sabik din siya sa anak, kanya umanong niyakap,  hinaplos ang buhok at  tinapik sa balikat.

Hindi umano niya akalain na mamasamain iyon ng  complainant lalo pa at normal na gesture lamang iyon ng isang ama.

Higit siyang nagulat nang damputin siya ng  mga pulis sa reklamong panlalamas ng dibdib ng kanyang sariling anak.

Nalulungkot ang Arabiano dahil magba-Bagong Taon  ay nasa kulungan at hindi madadalaw ang kanyang pamilya. (l. basilio)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *