Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pinay sugatan sa Beirut

ISANG Pinay ang kabilang sa mga sugatan sa  malakas na pagsabog ng kotse na kumitil sa buhay ng anim katao kabilang ang isang maimpluwensiyang miyembro ng coalition na kalaban ng rehimen ng Syria, Biyernes, Disyembre 27, sa Beirut, Lebanon.

Sa pahayag ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesman Raul Hernandez, isinugod sa emergency room ng American University of Beirut Medical Center ang Pinay pero agad pinauwi ng mga manggagamot matapos lapatan ng lunas.

Samantala, patuloy ang pagtugaygay ng lahat ng tanggapan ng Red Cross sa pinangyarihan ng insidente upang tiyakin na wala nang ibang Pinoy ang nasugatan sa naganap na pagsabog.

Sa ulat ng NNA news agency, nakabase sa Lebanon, patungo ang isa sa mga namatay na si Mohammad Chatah sa mansion ng dating prime minister na si Saad Hariri.

Si Chatah ay maimpluwensiyang ekonomista at dating minister ng kagawaran ng pananalapi at envoy ng Lebanon sa Washington at naging tagapayo ng dating premier Fuad Siniora at nanatiling close aide ni Hariri.          (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …