Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Barberong amok, 2 pa patay 6 sugatan

DALAWA ang patay at anim ang sugatan matapos pagsasaksakin ng gunting ng nag-amok na barbero na napatay rin ng kaanak ng isa sa mga biktima nitong Biyernes ng hapon sa Antipolo City.

Kinilala ni Supt. Arthur Masungsong, hepe ng Antipolo police, ang mga namatay na sina Romeo Gutlay, Jr., 36, at Joseph Costa, nasa hustong gulang, kapwa nakatira sa Sitio Sapo, Brgy. Sta. Cruz, ng lungsod.

Sugatan sina Emmanuel de Panio, 23; Dolores Odiaman, 35; Jessie Bernardo, 54; Ericka Ergina, 13; Edwin Ergina, 46; at April Joy Macauile,16, pawang ng Brgy. Sta Cruz,  Antipolo City.

Patay rin ang suspek na nag-amok na si Jonathan Hermentetiza, 28, barbero, ng  270 Sitio Sapo, Brgy. Sta. Cruz ng lungsod, matapos pagtatagain ng sumaklolong si Michael Gutlay, 40, kaanak ng isa sa dalawang namatay na mga biktima.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong 12:40 p.m. nang mangyari ang insidente sa Sitio Sapo ng nabanggit na barangay.

Napag-alaman na bigla na lamang nawala sa sarili ang suspek na si Hermentiza, lumabas ng barber shop na  armado  ng gunting at inundayan ng saksak ang bawat makasalubong na agad ikinamatay nina Romeo at Joseph at ikinasugat ng anim pang mga kapitbahay.

Mabilis na sumaklolo si Michael at habang hawak ang itak ay hinabol ang suspek at tinadtad ng taga si Hermentetiza hanggang malagutan ng hininga.               (ED MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …