Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mayweather vs. Maidana posible

PAGKATAPOS na gibain ni Marcos Maidana ang protegee ni Floyd Mayweather Jr. na si Adrien Broner noong linggo para mapanalunan ang WBA welterweight crown, malakas ang ugong na posibleng labanan ni Floyd si Marcos pagkatapos ng laban niya kay Amir Khan.

Ang labang Mayweather-Maidana ay ikinakasa ngayon ng mga oddsmakers na posibleng magkaroon ng kaganapan dahil   malaking sampal kay Floyd na talunin ni Maidana si Broner na binibindisyunan niyang tagapagmana ng kanyang trono.

Sa panalo ni Maidana kay Broner ay nabisto sa boxing world ang kahinaan ng  istilo ni Mayweather na kinokopya ni Broner.

Samantala, tuloy pa rin ang  imbestigasyon  ng WBA sa kuwestiyunableng panalo ni Maidana kay Broner sa akusasyon ng kampo ng huli na gumamit ng PEDs ang kampo ng una sa pagitan ng Round 11 at 12.

Ayon sa handlers ni Broner, kitang-kita nila na may isinubong kung anong puting bagay ang conditioning coach ni Maidana para mapanatili ang lakas nito sa nasabing mga rounds.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …