Friday , April 25 2025

Dumating ang malas ng Petron

NAKATAKDANG maganap ang pagkatalo ng Petron Blaze noong Sabado.

Bago kasi nakaharap ng Boosters ang Rain Or Shine ay dumaan sa butas ng karayom ang Petron Blaze sa huling apat na games nila bago napanatiling malinis ang kanilang record.

Kung titignang maigi nga ang mga larong yon, aba’y parang tsamba-tsamba na lang ang nangyari. Nakamit ng Boosters ang endgame breaks. Masuwerteng nakalusot sila lalo na sa games kontra Alaska Milk at Air 21.

Pero siyempre, hindi nagrereklamo si coach Gelacio Abanilla III kahit na masagwa ang panalo nila. Kumbaga’y ‘a win is a win.” Bakit ba siya magrereklamo.

Pero deep inside, naiisip niya na darating ang araw na mamalasin din sila sa endgame.

Hindi puwedeng papetik-petik ang kanyang mga bata. Kailangan ay hanggang dulo ang kanilang intensity!

Hayun ay napatid na nga ang kanilang seven-game winning streak nang sila ay talunin ng Elasto Painters sa overtime, 99-95.

It was bound to happen.  Iyan ang sabi ng mga oddsmakers.

Ganoon ulit ang nangyari. Idinikta ng Boosters ang laro sa loob ng tatlong quarters pero nakahabol ang Elasto Painters at naitabla ang score sa 87-all sa pagtatapos ng regulation period. At sa overtime ay tuluyang yumuko ang Petron at nalasap ang kauna-unahang kabiguan sa 39th PBA season.

Maituturing na eye opener ang nangyari.

Kailangan din naman na ang isang team na kahit gaano pa kalakas ay makalasap ng kabiguan upang malaman na hindi sila puwedeng magkumpiyansa.

Sigurado namang may magandang lalabas sa Petron Blaze sa pagkatalong ito.

Babalik ang Boosters na mas focus sa mga susunod na laro!

Sabrina Pascua

About hataw tabloid

Check Also

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

UMUKIT ng kasaysayan ang Philippine water polo junior teams tampok ang bronze medal ng boys’ …

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

Ang ikalawang edisyon ng World Slasher Cup 2024 ay nakatakdang ganapin mula Mayo 21 hanggang …

Milo Summer Sports Clinics

Milo Summer Sports Clinics

Ang matagal nang isinasagawang MILO Summer Sports Clinics ay inilunsad ngayong taon sa pinakamalaking saklaw …

AVC Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

AVC: Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

NANAIG ang Kaoshiung Taipower ng Chinese, Taipei, 25-15, 25-16, 19-25, 25-20 kontra Petro Gazz Angels sa 2025 …

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Mga Laro sa Lunes(Philsports Arena) 10 am – VTV Binh Dien Long An vs Baic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *