Friday , August 15 2025

Hubaran sa Antipolo sinalakay, 13 bebot tiklo

ARESTADO ang 13 kababaihan na  hubo’t hubad na nagsasayaw, nang salakayin ng Rizal PNP Intillegence Division ang “Men’s Gallery Entertainment KTV Bar” na inireklamong front ng prostitution sa Antipolo City.

Kinilala ni S/Supt. Rolando Anduyan, Rizal PNP Provincial Director ang mga inaresto na sina: Annie Domingo; Jacqueline Blanco; Cristel Yapana; Janeth B. Lobo; Raquel Tejano: Marilyn Mamaril; Gemmalyn Marigmen; Ma. April Acelyn Gabuyo; Cristina Era; Diodeliza Dula: Charelene Viveka San Pedro; May Cerbito; Chriselda Doñas.

Sa imbestigasyon nina PO3 Rhina B Mariquina at PO1 Sheryl P Uy, ng Women and Children Protection Division (WCPD) Rizal PNP, sinalakay ang “Men’s Gallery Entertainment KTV Bar” sa Marcos Highway, Brgy Mayamot, dakong 11:30 kamakalawa ng gabi dahil sa mga reklamo sa tanggapan ni Antipolo City Mayor Jun Ynares III, na garapalan ang prostitution sa nabanggit na club.

Kasong paglabag sa Code of General City Ordinances of Antipolo City (2000) while performing indecent show at paglabag sa Sec. 1, Art 201 2(b) of the Revised Penal Code (RPC) ang isinampa laban kay Jacqueline  Blanco.

Paglabag naman sa Art. 178 of the RPC (Using Fictitious Name and Concealing True Name) sina, Cyrill S. Revil alyas Megan Revil, 22, anyos, residente ng Antipolo City; Janice Dula alyas Dimple Radam, 24, anyos, ng Sampaloc, Manila at si Anna Lea J. Villamil alyas Anna Lea Dela Cruz, 24, ng Antipolo, dahil sa pabago-bagong pangalan na ginamit sa kanilang medical records at sa piskalya.

Ang may-ari ng “Men’s Gallery Entertainment KTV Bar” ay kakasuhan ng paglabag sa RA-9208 o Anti-human trafficking law. (ED MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

NBI

P11-M pekeng produkto kinompiska ng NBI

UMABOT sa P11 milyong halaga ng mga pekeng produkto ang nasamsam ng National Bureau of …

Nicolas Torre III

Vloggers/content creators, binalaan ni Torre vs fake news, imbentong senaryo

BINALAAN ng Philippine National Police (PNP) ang mga vlogger at content creator na huwag magpakalat …

081325 Hataw Frontpage

3 grade 7 student nabagsakan ng debris, kritikal

ni ALMAR DANGUILAN MASUSING inoobserbahan sa Capitol Medical Center ang tatlong Grade 7 students kabilang …

QCPD Quezon City

Paslit kinidnap ng yaya nailigtas

NAILIGTAS ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang 3-anyos bata habang naaresto …

Goitia

Chairman Goitia:
Katotohanan, sandata laban sa kasinungalingan ng Tsina 

SA ISANG eksklusibong panayam kay Dr. Jose Antonio Goitia, na nagsisilbing Chairman Emeritus ng apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *