Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kutsilyo isinalaksak sa bunganga ng nobyang tomador (Service crew arestado )

NAKASALAKSAK   pa sa bunganga ng isang 23-anyos bebot ang  kutsilyo na ginamit  na panaksak ng  kanyang live-in partner  na service crew ng Jollibee, nang mabungaran ng nagres-pondeng pulis sa Tondo, Maynila, iniulat kahapon.

Kinilala ang biktimang si Kimberly Hernandez,  live-in partner ng naarestong suspek, si Dennis Ryan Pangan, 24, service crew ng isang branch ng nasabing fastfood chain  sa Recto, kapwa residente ng 2118 F. Almeda St., Tondo.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Glenzor Vallejo,  dakong 12:40 ng madaling araw nang madiskubreng patay ang biktima sa loob ng kanilang kuwarto nasa ikalawang palapag.

Nauna rito, nakipag-inuman ang biktima kina Daniela at Renzo, dakong 9:00 p.m. hanggang 12:00 ng madaling araw sa isang bakanteng lote, malapit sa kanilang bahay at nang matapos ay naunang umuwi  ang biktima upang magpahinga.

Dakong 12:40, sumunod sina Daniela at Renzo sa bahay ng biktima, upang isoli ang ginamit na DVD player at speaker .

Pagbukas ni Daniela ng ilaw  ay  bumulaga sa kanilang harapan ang biktima  na nakahiga sa kahoy na kama na nakabulagta at nakatarak pa ang kutsilyo sa kanyang bunganga.

Agad humingi ng tulong si Daniela sa barangay at inireport sa MPD-Jose Abad Santos Police Station 7 ang insidente.

Dakong 5:00 ng umaga nang makitang tumatakbo ang suspek  sa Ipil St.,  Tondo, na may dalang backpack kaya agad itong inaresto ng mga opisyal ng barangay.

Ayon sa pulisya, posibleng selos ang dahilan ng pagpaslang ng suspek sa kanyang  ka-live-in  dahil madalas umano itong nakikipag-inuman tuwing nasa trabaho ang suspek.

Nakakulong  ngayon  sa MPD-headquarters ang suspek  at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

(leonard basilio)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …