Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kelot grabe sa tarak ng bespren (Ginigirian ng BFF kinursunada)

NATAPOS sa pananaksak ang pagkakaibigan ng kapwa  17-anyos  mag-bestfriend  nang mauwi sa kulitan  ang  masayang inuman, sa Caloocan City kahapon ng madaling araw.

Kritikal ang kalagayan sa Caloocan Medical Center (CMC) ang biktimang kinilalang si Reynaldo Olaybar, 17-anyos, ng Narra Alley, Brgy. 136, Bagong Barrio, ng  lungsod, sanhi ng malalim na tama ng saksak sa likod.

Wanted sa pulisya ang suspek na si Dagul Morales, 17-anyos, residente  ng Tirona St., sa nasabing barangay, na mabilis  tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong 1:00 ng madaling araw, nang maganap ang insidente malapit sa bahay ng suspek sa lugar.

Galing ang mag-bestfriend sa isang Christmas Party at habang naglalakad pauwi, nauwi sa kulitan ang masayang usapan hanggang sa mapikon ang suspek na mabilis bumunot ng patalim at tinarakan ang kaibigan sa likod.

Ayon sa ilang kaibigan ng biktima, nagkabiruan ang dalawa tungkol sa pagkursunada ni Olaybar sa ginigiriang tsiks ni Morales na ikinagalit nito.

(rommel sales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …