Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

4 patay, 1 sugatan sa tambang

LAOAG CITY – Tatlo ang agad binawian ng buhay habang isa ang namatay habang ginagamot sa ospital makaraang tambangan sa Brgy. Sta Cruz-B, Badoc, Ilocos Norte kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga biktimang agad namatay na sina Benny Rosete, 31; Jerry Guzman; at William Acoba.

Namatay naman sa ospital si Hayamel Rosete, 11, anak ni Benny Rosete.

Nasugatan sa insidente si Mark John Rosete, pamangkin ni Benny.

Habang nakaligtas si Michelle Rosete, asawa ni Benny; Sonnymel Rosete, anak ni Benny; Rayen Jen Rosete, 3-anyos na special child at pamangkin ni Benny.

Ayon kay P/S/Insp. Leonardo Tolentino, hepe ng PNP Badoc, nangyari ang insidente 9 p.m. habang nakasakay ang mga biktima sa isang tricycle at motorsiklo.

Paakyat sila sa mataas na bahagi ng daan sa nasabing barangay nang bigla na lamang silang paputukan ng hindi nakilalang mga salarin, gamit ang isang M16.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP Badoc.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …