KINOMPIRMA ng Supreme Court na pinaiimbestigahan ng komite ang lumabas na larawan ni Arlene Angeles-Lerma na kasama ang judges at mahistrado.
Ayon kay SC spokesman Atty. Theodore Te, maaaring gawing resource person ng binuong investigating committee ang mga mahistrado at hukom na kasama ni Arlene Angeles-Lerma sa ilang mga pagtitipon.
Samantala, umalma naman ang SC sa maagang pagpapalabas ng report hinggil sa pagtukoy sa sinasabing “Ma’am Arlene” sa hudikatura na maituturing na maimpluwensiyang tao at court fixer sa mga korte lalo na ang pagpapalabas ng temporary restraining order (TRO).
Sa inilabas na pahayag ng Supreme Court (SC) kahapon, inalmahan ng investigating committee sa pangunguna ni Justice Marvic Leonen, kasama nina dating Justices Alicia Austria-Martinez at Romeo Callejo, ang paglabas ng nasabing impormasyon sa publiko.
Nabatid na una nang lumabas sa report na ang “Ma’am Arlene” na iniimbestigahan ng SC at si Arlene Angeles-Lerma ay iisa lamang.
(BETH JULIAN)