IPINAALALA ni BIR Chief Kim Henares kahapon sa mga ahensya ng gobyerno at pribadong sector na ang 13th month salaries, bonuses at benepisyong hindi lalagpas ng P30,000 ay exempted sa tax.
Sa kabilang dako, ang ano mang halaga na lagpas sa P30,000 ay dapat buwisan.
Ang paalala na ito ni Henares ay bunsod ng pagsisimula ng mga kompaya sa pagbibigay ng 13th month pay gayundin ng holiday and year-end bonuses sa kanilang mga empleyado.
“For example kung sinuma mo lahat bonuses mo whatever you call it… kunwari total bonuses for the year is P40,000, P30,000 is exempted and P10k lang binubuwisan,” paliwanag ni Henares.
“Iyon lang ang nasa batas kaya iyon lang i-implement ng BIR,” aniya pa. (HNT)