Monday , February 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ping itinalaga bilang rehab czar

NAGPASALAMAT si Pangulong Benigno Aquino III kahapon kay dating Sen. Panfilo Lacson sa pagtanggap sa kanyang alok na pangunahan ang rehabilitation at reconstruction sa Eastern Visayas na sinalanta ng super typhoon Yolanda.

Ito ang pahayag ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma, Jr., hinggil sa pagkakatalaga kay Lacson ng Pangulo bilang “rehab czar.”

Nabatid na matapos ang cabinet meeting nitong Biyernes ay napag-kasunduan na maglalaan ang pamahalaan ng P40.9 bilyong rehabilitation funds, at ipinatawag ng Punong Ehekutibo si Lacson sa Malacañang at inialok sa kanya  ang maging ‘rehab czar.’

Sinabi naman ni Coloma na ano mang araw ay lalagdaan ni Pangulong Aquino ang isang executive order na magtatakda ng magiging bagong papel ni Lacson sa administrasyong Aquino.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Money Bagman

Sa flood control projects scandal
347 katao nais ng paliwanag sa nag-leak na kopya ng draft partial report

UMABOT na sa 347 indibiduwal ang co-signatories at naghain ng Petition for Full Disclosure ng …

Arrest Caloocan

Most wanted na magnanakaw sa Bulacan naaresto sa Caloocan

MATAGUMPAY na naaresto ng Provincial Intelligence Unit ng Bulacan Police, katuwang ang Bulacan 1st Provincial …

San Jose del Monte CSJDM Police

2 rapist sa CSJDM timbog

MATAGUMPAY na naaresto ng mga operatiba ng San Jose del Monte City Police Station (CPS), …

Dead Rape

Siklista natagpuang patay sa Cavite memorial park

NATAGPUANG patay ang isang cyclist sa parking area ng Divine Mercy Memorial Park sa Brgy. …

Gun Fire

Mayor ng Surigao del Sur, aide sugatan sa ambush

SUGATAN ang alkalde ng Barobo, Surigao del Sur at kanyang close-in security detail nang paulanan …