Friday , November 22 2024

Pinoys ligtas sa gitna ng Thai unrest

NAKATUTOK ang gobyerno sa bansang Thailand sa gitna nang nangyayaring political unrest sa naturang rehiyon.

Tiniyak ng Malacañang na mayroong nakahandang contingency plan ang pamahalaan sakaling lumala ang sitwasyon.

Ngunit sa ngayon, sinabi ni Presidential Communications Operation Office Sec. Sonny Coloma, walang dapat ikabahala ang mga Filipino na nakabase roon at kanilang mga pamilya rito sa Filipinas.  Ayon sa kalihim, ipinauubaya na rin ng Palasyo sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang hakbang kung kailangang magtaas ng alert level.

“So far naman po ay wala pang mga naiuulat na dahilan para tayo ay mabahala,” ayon sa kalihim.

Kamakalawa, muling sumiklab ang tensyon matapos tangkain ng anti-government forces na pasukin ang Government House sa layuning mapatalsik si Prime Minister Yingluck Shinawatra.

About hataw tabloid

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *