Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jeepney drivers tigil-pasada sa Maynila (Dahil sa abusadong pulis trapiko)

INAASAHANG apektado ang pagbibiyahe  ng libo-libong pasahero dulot ng itinakdang tigil-pasada ng mga   jeepney driver ngayong araw sa Lungsod ng Maynila.

Ayon kay Zenaida Maranan, Ka Zeny, national president ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), kasama nila sa strike ngayong Lunes, ang Philippine Confederation of Drivers and Operators-Alliance of Concerned Transport Organization (PCDO-ACTO) na pinamumunuan ni Efren de Luna.

Mula umaga hanggang gabi, hindi bibiyahe ang mga miyembro ng dalawang asosasyon dahil sa mga karaingan sa mga mapanggipit na polisiya na pinaiiral ng pamahalaan kabilang ang Lungsod ng Maynila.

“Maghapon ang tigil-pasada,   hangga’t hindi namin  nakakausap si Mayor Erap, kailangan na niya malaman ang mga nangyayari, kung mali kami, hulihin kami pero ‘yung nasa lugar ka at sumusunod hinuhuli, pati wrecker, presinto at traffic police kinukuha lisensiya hanggang ngayon ay hindi pa isinasauli, kahit na kinausap ko na ‘yung isang major na kahit di ninyo responsibilidad ay pinakiusapan ko, ‘di nakinig ang pulis na ito. Hindi na nila kaya ang  paniniket sa kanila,” sabi ni Ka Zeny.

Bukod sa  PCDO-ACTO,  hinimok din umano ni Ka Zeny ang mga miyembro ng PISTON at Pasang Masda na makiisa  sa tigil-pasada na ang layunin ay para sa kapakanan ng lahat ng mga pumpasadang driver at mga operator. (leonard basilio)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …