Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P20-M tanso ‘mitsa ng buhay’ ng 3 kelot sa container van

MASUSING imbestigasyon ang isasagawa ng Taguig police sa utos ni Southern Police District (SPD) Director Chief Supt. Erwin Villacorte, kaugnay sa pagpatay sa driver at dalawang pahinante ng isang trucking firm noong Biyernes ng gabi sa Taguig City.

Inimbitahan din nina SPO1 Darwin Allas at PO3 Ricky Ramos ng Homicide Section ng Taguig police, ang security guard na si  Joerico Pantaleon, nakatalaga sa Great Circle Holdings, Inc., San Antonio Drive, Bagumbayan, na sinasabing nakita umano ng ilang testigo na huling bumaba sa Isuzu truck van na kinatagpuan sa tatlong bangkay.

Sina Reynaldo Cabalan, 49, driver;  at mga pahinanteng sina Rojin Mesias, 35; at Jayson Andahan, 22; mga empleyado ng MECC Trucking na may tanggapan sa 224 Lakandula, Tondo, Maynila ay natagpuan sa loob ng van na may mga saksak at tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nakatali ng nylon cord ang mga kamay at paa ng mga biktima, pinuluputan ng alambre ang leeg at binusalan pa ng medyas si Cabalan.

Pinaiimbestigahan ni Villacorte ang pahayag sa pulisya ni Cynthia Navarro, 56, manager ng naturang trucking na magkakarga ng mga tanso na nagkakahalaga ng P20 milyon ang mga biktima na dadalhin sa Pier 15 at isasakay sa barkong pag-aari ng 2Go Shipping Lines.

Sisiyasatin din nina PO3 Erick Escoba at PO2 Victor Amado Biete kung naikarga ba ng mga biktima ang mga kargamento bago nangyari ang krimen dahil ang tatlong bangkay lang ang laman ng container van na nakaparada sa panulukan ng Sta Maria Drive at 1st Avenue TBCI, Bagumbayan, dakong 8:30 ng gabi.

Nilinaw ng mga imbestigador na hindi pa nila itinuturing na suspek si Pantaleon at isasailalim lamang ito sa imbestigasyon para malaman kung bakit itinuro siya ng ilang testigo na nakitang bumaba mula sa container van.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Bojie Dy

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol …