NAKABABAHALA na itong ulat ng Department of Health. Mabilis daw ang paglaki ng bilang ng mga -nahawaan ng AIDS.
Nitong nakalipas na Oktubre 2013 lamang daw ay -nakapagtala ang DoH ng 491 kaso ng mga bagong biktima ng AIDS.
Mas mataas ito sa naitala noong Oktubre 2012 na 295 lamang.
Simula Enero 1984, nang nagsimula sa monetoring ang DoH hanggang Oktubre 2013, ay nakapagtala ang ahensya ng 15,774 kaso ng AIDS sa bansa.
Karamihan pa sa mga biktima ay nasa edad 20s (20-29 anyos), kainitan ng tao sa sex.
Mula Enero 1984 hanggang Oktubre 2013, ang mga -nasawi sa AIDS ay 856 (669 sa mga ito ay lalaki).
Nito lamang Enero-Oktubre 2013 ay 148 ang nasawi, lima sa mga ito ay namatay nitong Oktubre.
Ayon sa tagapagsalita ng DoH na si Dr. Erik Tayag, -pinakamaraming bilang ng kaso ng AIDS ay mula sa -Quezon City. Karamihan sa mga ito ay yaong mga nakikipagtalik sa kapwa lalaki (bakla).
Ang payo ng DoH, gumamit ng condom sa pakikipag-talik. Kaso, walang hagod ang may balot e. ‘Di feel ang init at sarap. Hehehe…
Kung si Jerry Yap ang mag-advise, “blowjob” na lamang daw, safe na safe!. Hahaha…
Kaya naman “AIDS capital” na itong Quezon City e dahil sa dami ng gay bars at talamak ang prostitutions, dikit-dikit ang mga bahay-putahan. Nagpapaligsahan nga sila ng Pasay at Paranaque.
Hindi nga ba tinawag din na “gay capital” ang Kyusi dahil sa dami rin ng mga bading?
Naglipatan kasi rito ang mga dating namumugad sa -Maynila na pinalayas ni dating Mayor Alfredo Lim.
Meaning, nasa local government o sa kamay ng mayor ang pagsulputan ng mga bahay-putahan at pagtalamak ng prostitutions!
Paging DILG Secretary Mar Roxas, GISING!
‘Spiderman’ sa Maynila, lipulin!
– Mr. Venancio, report ko yung mga umaakyat sa likod ng trak na kung tawagin ay “spiderman”. Nakaaawa naman po ang ninanakawan nila. Minsan isang sakong bigas, asukal, kahit anong makuha nila. Dito po ito ibinebenta sa Brgy. 373-375 sa Tambunting St., Sta. Cruz, Manila. Ang mga -taong ito ay sina Bombo at Amado. Lagi ko po silang nakikita. Pag labas lang po nila, wala pa isang oras, pagbalik may mga dala na sila. Sana matiyempuhang mahuli ang mga taong ito. Kawawa kasi ang mga nabibiktima nila. – Concerned -citizen
Totoo ito. Kahit dyan sa kahabaan ng Road 10, mula Delpan, Tondo hanggang pakanan ng Caloocan City ay -marami nito. Sarap ngang targetin!!!
Sobrang talamak na ang shabu
sa Hermosa Pronda
– Report ko po ang grabe ng talamak na bentahan ng shabu rito sa Hermosa Pronda! Parang awa nyo na, -tulungan nyo kami rito. Pati mga kabataan dito biktima na rin, hindi mahuli ng mga pulis. May koleksyon kasi sila rito e. Wala namang magawa ang barangay kasi takot din sila. Malaking sindikato ng droga kasi ang kumikilos dito e. – Concerned citizen
Bangketa sa Sampaloc
ginawang shops!
– Report ko lang po ang problema namin tungkol sa mga kumukumpuni ng mga sasakyan sa bangketa at kalye rito sa Brgy. 441 at 442 sa kahabaan ng J. Fajardo St., mula -Prudencio, Cristobal at Miguelin Sts., Sampaloc, Manila. Ginawa na nilang auto repair shop at cabinet maker ang bangketa at kalye. Wala ng madaanan ang mga tao. Ang barangay walang pakialam. Pls help us. Maraming -Salamat.- -Concerned -citizen
Ang ganyang problema ay barangay matter. Sino ba ang mga opisyales nyo dyan? Simula na ng trabaho ng mga bagong halal simula kahapon. Magtrabaho na kayo! -Tanggalin ang obstructions sa inyong lugar.
Madalas ang patayan
sa Parola (Binondo side)
– Mr. Venancio, request lang po sana namin kay Mayor Erap na gabi-gabihin ang pagro-roving ng mga pulis ng Stn. 11 sa Parola (Binondo side). Ang dami ng -namamatay dito nang dahil sa barilan po lagi sa may Gate 46, 50 at 54. Sana po makarating ito kay Mayor Erap. Salamat. Huwag nyo po ilabas ang numero ko. -Concerned citizen
Kung ang mga nagbabarilan dyan ay mga kriminal, hayaan mo na sila para hindi na sila maging sakit ng ulo ng mga pulis.
REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015
Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]
Joey Venancio