Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Andrea, agaw-eksena ang pag-iyak sa Star Awards

AGAW-EKSENA ang speech ni Andrea Brillantes nang tanggapin ang parangal bilang Best Child Performer sa ginanap na PMPC Star Awards for Television. Pinasalamatan niya ang mga nang-bully sa kanya noon at lahat ng hindi naniwala sa kanyang kakayahan.

Emosyonal na inilabas ni Andrea ang hinanakit sa mga nagsabing hindi siya maganda at hindi siya sisikat. Napag-alaman namin na ilan sa kasamahan niya rati sa Goin’ Bulilit ang nambu-bully sa kanya.

Dahil sa nakadadala at bukal sa loob na speech ni Andrea kung kaya’t siya ang pinaka-pinalakpakan ng mga manonood sa prestihiyosong gabing iyon.

Sa kanyang pagtatapos ay lubos ang pagpapasalamat ni Andrea sa programang Annaliza na siyang naging dahilan kung ba’t napansin ang kanyang husay sa pag-arte at ngayo’y kinilala sa pamamagitan ng isang parangal.

Patuloy na ipinamamalas ni Andrea ang kanyang husay sa top-rating primetime family drama naAnnaliza gabi-gabi sa ABS-CBN. Lalong tumitindi ang kuwento dahil hindi na nagpaawat si Stella (Kaye Abad) sa pagsira sa pamilya ni Annaliza. Magtagumpay kaya siya? Maagaw na kaya niya nang tuluyan si Lazaro (Patrick Garcia)? Paano kapag muling bumuwelta si Makoy (Carlo Aquino) para maghiganti?

Huwag bibitiw sa makapigil-hiningang mga eksena sa Annaliza gabi-gabi, bago mag-TV Patrol sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

(ROLDAN CASTRO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …