Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ildefonso, Seigle puwede pang maglaro?

NAGSIMULA ang 39th season ng Philipine Basketball Association nang wala sa line-up ng alinman sa sampung koponan ang pangalan nina Danilo Ildefonso at Danny Seigle.

Bagamat may ilang naniniwala na mayroon pang puwedeng mapiga sa dalawang ito, tinanggap na ng karamihan na tapos na ang careers ng ‘Danny Boys’.

Sinabi ng management ng Barako Bull na kinausap nila si Seigle at binigyan naman ng mas mababang offer subalit hindi ito tinanggap kung kaya’t hindi na sila nagkasundo.

Hindi naman alam kung bakit nawala na lang si Ildefonso sa Petron bagamat nitong mga nakaraang araw ay kung anu-anong statements na ang inilabas ng two-time Most Valuable Player laban sa kanyang koponan. Kasi nga’y parang pakiramdam ni Ildefonso na puwede pa siyang maglaro o kaya’y maging bahagi ng coaching staff kjung sakali.

Opinyon niya iyon at siya ang bahala sa kanyang career. Pero sa pagsasalita laban sa Petron, kahit pa ito’y bugso ng kasalukuyang damdamin, parang pinuputol na niya ang tulay at hindi na tumitingin pa sa kinabukasan.

Hindi natin alam kng may pupuntahan pa ang argumento ni Ildefonso. Oo’t binigay niya ang  kanyang makakaya para tulungan ang Petron (dating San Miguel beer). Pero hindi ba’t sinuklian din naman siya ng San Miguel Corporation hindi lang sa pamamagitan ng suweldo’t bonuses kungdi sa iba pang paraan?

Well, aabangan natin ang susunod na kabanata sa kasaysayan ni Ildefnso (kung mayroon).

At ang susunod na kabanata sa kasaysayan ni Seigle na hindi naman nagrereklamo sa kanyang kasalukuyang sitwasyon.

Ang alam natin ay nagta-tryout siya sa iba’t ibang koponan at ang latest ay baka makapirma rin siya ng kontrata  sa Talk N Text kahit na short-term lang.

Kung muli siyang makapaglalaro, ipakikita niyang puwede pa siyang pakinabangan.

Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …