Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

World class nga ba itong Metro Turf?

ANG tagal namang manganay nitong karerahang Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

Kung noong unang mga nakaraang buwan ay pinagbibigyan ng mga karerista  ang mga kapalpakan nitong Metro Turf, ngayon ay tuluyan nang naasar ang maraming mananaya sa karerahang ito.

Katunayan ng sinabi ko ay pagliit ng mga grose sa Daily Double at Forecast at iba pang betting.

Ang nakakaasar dito sa Metro Turf ay madalas nilang ibando sa madlang karerista na World Class itong karerahan sa Malvar.

Pag sinabi mo kasing world class, kasama na roon ang serbisyong ibinibigay sa Madlang Karerista.

At dapat binubura na nila ang mga nakaraang kapalpakan sa isip ng tao.   Pero hindi e.

Katulad na lang nitong nakaraang Lunes (Nov. 25).   Clear winner sa Race 2 ang kabayong Something New (No.6).   Pero nagkabalikatan sa segunda puwesto ang bumanderang Power Gear (No.4) at ang malakas na rumemate na Super Elegant (3).

Kung malinaw kasi na nanalo ang Something New, malinaw din sa mga mata ng halos lahat ng karerista  na masyadong dikit ang pagtatapos sa segunda ng Power Gear at Super Elegant.   Mayorya nga ng nakapanood kasama na ang inyong lingkod na naniniwala na medyo lamang sa datingan ang Power Gear at hindi lumagpas ang Super Elegant sa meta.

Maging si Ira Herrera na nasa panel ay naniniwalang dapat i-photo finish ang laban dahil ibinibigay niya ang dibidendo ng posibilidad  na 4 ang sumegunda at ang dibidendo rin ng 3.   So kung ibinibigay niya sa Madlang Karerista ang dalawang posibleng dibidendo—dapat talagang i-photo finish ang nasabing pagtatapos.

Pero hindi.  Walang photo-finish na nangyari. Bigla na lang lumabas sa monitor na nanalo ang Something New at segunda ang Super Elegant.

Anak ng patola!   Nasaan naman ang respeto ng Metro Turf sa mga mananaya?   Lalo na dun sa mga tumaya sa forecast kay Power Gear?

Simple lang kasi ang hiling ng mga mananaya.  Kung very close ang laban, dapat idaan sa photo finish.   Ano iyon, sira na naman ang camera ng Metro Turf?   Maging ang slomo ng pagtatapos na nasabing laban ay hindi ipinakita sa madla.  Ano iyon sira rin ang slomo ninyo?

Ganoon ba ang sinasabing world class?

Alex Cruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …