Friday , November 22 2024

P55-B rehab fund sa Yolanda tiniyak ni Drilon

TINIYAK ni  Senate President Franklin Drilon ang tinatayang P55.4 billion na ilalaan para sa long-term rehabilitation ng Yolanda-hit areas, na ang bahagi ay magmumula sa hindi nagamit na Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Sinabi ni Drilon, sumang-ayon ang dalawang kapulungan ng Kongreso na ipasa ang P14.6 billion supplemental budget, na magmumula sa pork barrel na idineklarang unconstitutional ng Supreme Court kamakailan.

Aniya, nag-isyu na ang Bureau of the Treasury ng sertipikasyon para sa supplemental budget na ito.

Ang iba pang bahagi panukalang P55.4 billion rehabilitation fund ay magmumula unobligated funds” ng 2013 national budget.

Sinabi ni Drilon, inihahanda na ang joint resolution para palawigin ng isa pang fiscal year ang validity ng calamity-related funds sa kasalukuyang budget na umaabot sa P20.8 billion na mananatiling “unobligated” sa pagtatapos ng taon.

(CYNTHIA MARTIN)

About hataw tabloid

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *