Friday , November 22 2024

Yolanda survivors humirit ng balato kay Pacquiao

HINIHINTAY na ng mga sinalanta ng super typhoon Yolanda ang biyayang inaasahan nilang matatanggap mula kay bagong WBO welterweight champion Manny Pacquiao.

Ayon sa ilang residente ng Bogo City sa Northern Cebu, umaasa silang mababahagian din ng “balato” sa panalo ng Filipino ring icon.

Una rito, kinompirma ni Top Rank promoter Bob Arum na aabutin ng $30-million ang kikitain ni 8-division world champion Manny Pacquiao sa laban kay Brandon Rios.

Ayon kay Arum, mayroon guaranteed purse ang Filipino ring icon na $18 million at posibleng tataas pa ito sa pay-per-view revenue.

Kamakalawa, pansamantala munang kinalimutan ng typhoon survivors ang kinakaharap na problema para abangan ang laban ni Pacquiao kontra kay Brandon Rios.

Dumadagundong na hiyawan at sigaw ng pagsuporta para sa Filipino ring icon ang yumanig sa mga venue kung saan napanood nang libre ang laban.

Maging sa town plaza ng Ormoc City; Guiuan, Eastern Samar; Estancia at Concepcion, Iloilo; at Medellin, Cebu ay nagbunyi rin ang typhoon survivors sa panalo ni Pacquiao.

GAMOT SA TRAUMA

ITINUTURING na isa sa mabisang gamot sa pagtanggal ng trauma ang pakikinig at panonood ng masisiglang bagay, katulad ng isang exciting na boxing match nina Filipino boxing superstar Manny Pacquiao at American fighter Brandon Rios.

Ayon kay DSWD Sec. Dinky Soliman, isa sa maselang isyu pagkatapos ng kalamidad ay ang naiiwang trauma, lalo na ang mga labis na nasalanta ng katulad ng super typhoon Yolanda na may kasamang mataas at malakas na storm surge.

Sinabi ni Soliman, gumagaling naman ang trauma ngunit maingat ang dapat na ginagawang proseso.

Ayon naman kay Red Cross Secretary General Gwendolyn Pang, mainam ang mga mapaglilibangan para mapawi ang lungkot at takot ng mga nakaranas ng kalamidad o ano mang uri ng trahedya.

Sa Tacloban City, Cebu at maging sa Metro Manila ay ginamit ng mga social worker ang laban nina Pacman at Rios para matanggal ang trauma ng mga biktima ng bagyo.

Para sa social workers, masasabing epektibo nga ang naturang pamamaraan dahil bakas sa mukha ng mga nasalanta ng bagyo ang sigla, tuwa at excitement matapos mabalitaang ang kanilang pinanabikang laban ay handog ng Pinoy champion sa mga tulad nilang nasalanta ng kalamidad.

(HNT)

About hataw tabloid

Check Also

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Bulacan Police PNP

Pulis sugatan sa ops, pagkilala inirekomenda  ni Gob. Fernando

KASALUKUYANG nagpapagaling sa pagamutan ang isang police officer na lubhang nasugatan sa isang police operation …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *