Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Delfin Lee pugante pa rin—De Lima

PUGANTE pa rin maituturing ang developer na si Delfin Lee sa kabila ng pag-abswelto ng Court of Appeals sa kasong syndicated estafa at pagpapawalang bisa sa warrant of arrest na inilabas ng hukuman sa Pampanga.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Sec. Leila de Lima, nananatili pa rin ang bisa ng arrest warrant dahil hindi pa naman pinal ang ipinalabas na resolusyon ng appellate court.

Kaugnay nito, sinabi ni De Lima na maghahain sila sa CA ng motion for reconsideration sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General para hilinging baligtarin ang nauna nitong desisyon.

Nag-ugat ang kaso laban kay Lee sa mahigit P7-bilyon maanomalyang pautang na inaprubahan ng Pag-IBIG Fund para sa mga bumili ng bahay sa housing project ng kompanya sa Mabalacat, Pampanga ngunit natuklasan na ghost borrowers. (L. BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …