Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nanay patay sa panganganak, sanggol nadamay

HUSTISYA ang hinihingi ng pamilya ng isang nanay na hindi agad naasikaso sa pangananak sa isang lying-in clinic sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Genalyn Enriquez, 25, ng Don Pedro Subdivision, Brgy. Marulas, Valenzuela City at ang sanggol na nasa sinapupunan.

Sa salaysay ng kapatid na si Grace, 27, dakong 8:00 ng umaga kamakalawa nang dalhin niya ang kanyang kapatid sa Cordero Lying–in Clinic na matatagpuan sa 3rd Avenue, Grace Park ng nasabing lungsod. Isang Dr. Cordero umano ang nagsabing aabutin pa ng hapon bago manganak ang biktima kaya pinayuhang  maglakad-lakad para mapadali ang panganganak.

Hindi pa nakalalayo ay nakaramdam ng pananakit ng tiyan ang ginang kaya muling nagpatingin sa doktor.

Ipinasok sa delivery room ang ginang pero ilang sandali lang ay sinabi ng mga doktor na mahihirapan manganak ang pasyente kaya kailangan ilipat sa ibang ospital.

Dito nila nalamang patay na ang sanggol at pinapipili ng ospital na mura ang gastos gayonman napilitang dalhin sa Chinese General Hospital dahil marami nang dugo ang nawala sa pasyente. (r. sales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …