Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bading timbog sa pambubugaw (Sa Zamboanga City evacuation centers)

ZAMBOANGA CITY – Huli sa akto sa entrapment operation ng mga pulis ang isang bading na hinihinalang  ibinubugaw   ang ilang kababaihang bakwet sa loob ng Joaquin Memorial Sports Complex sa R.T. Lim Boulevard, isa sa nagsisilbing pinakamala-king evacuation center sa Zamboanga City.

Sa report ng Women and Children’s Protection Division ng Zamboanga City police office (ZCPO), kinilala ang suspek na si Ismael Ho Sali, residente ng Brgy. Sta. Catalina ng lungsod, kabilang din sa daang libong bakwet na nagsilikas dahil sa pag-atake ng armadong grupo ng Misuari faction ng MNLF sa ilang mga barangay dito.

Sa operasyon ng mga awtoridad, dakong 7 p.m., isang pulis ang nagpanggap na naghahanap ng babae at nakipagnegosasyon sa suspek. Iniabot niya ang marked money sa suspek kapalit ng tatlong babae na nasa loob ng isang tent sa eva-cuation center.

Dalawa sa mga babae na tubong Isabela City, Basilan at Jolo, Sulu ang kasamang nakuha sa naturang operasyon habang ang isa ay nakatakas.

Una rito, nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na dahil sa kawalan ng pera at matinding pangangailangan, ilan na rin sa mga babaeng eva-cuees ang kapit sa patalim at pumapasok  na  rin  sa prostitus-yon.

Nito lamang nakaraang mga araw, base sa impormasyon mula sa City Health Office (CHO) ng lungsod, ilan din sa eva-cuees ang positibo sa sexually transmitted disease (STD).

(BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …