Sunday , December 22 2024

Homemark naglinaw sa kasong Syndicated Estafa na inihain laban sa kanila (PESCA may utang pa)

00 Bulabugin JSY

ISANG masamang bangungot ang nararanasan ngayon ng Homemark, isang real estate developer na pinerhuwisyo ng kliyente nilang mag-asawang Ely at Teodora Pesca.

Nauna nating naikolum noong Oktubre 21 (2013) ang ipinaabot sa ating hinaing ng mag-asawang Pesca dahil hindi pa umano sila nabibigyan ng deed of sale.

Agad po natin tinugunan ang hinaing ng mag-asawang PESCA dahil ang pinag-uusapan po rito ay salapi at ari-arian na sinikap nilang ipundar at saka s’yempre dahil sa kagustuhan natin magbigay-daan sa katuwiran at boses ng mga kababayan natin.

Sa ngalan po ng balanseng pamamahayag tayo po ay patuloy na nag-imbestiga hinggil sa nasabing isyu.

Pero nabulaga po tayo sa ilang natuklasan natin.

Unang-unang, natuklasan natin na mayroon pa palang utang at bayarin ang mag-asawang Pesca sa kompanyang Homemark.

Ikalawa, mayroong mga paglabag ang mag-asawang Pesca sa kanilang nilagdaang kontrata sa Homemark.

Ang unang house and lot unit na nabayaran ng mga Pesca ay mayroon nang titulo.

Habang ang tatlong house and lot units na sinasabi ng mag-asawa na 41% na raw nilang nabayaran ay sobrang OVER DUE balances na pala at ni hindi pa nababayaran ang amortization.

Ibig sabihin naghalo ang penalties at ang delayed down payments.

Hmmnnn … sana lang po naging honest naman sa pagrereklamo.

Batay sa nakalap namin, Mr. & Mrs. Pesca, ‘e illegal n’yo pa raw na ipinagagamit ang isang yunit na hindi pa ninyo fully paid?!

In bad faith po iyan!

Totoo rin na wala pa silang hawak na contract-to-sell dahil alinsunod sa nilagdaan nilang reservation contract  kailangan mabayaran nila ang full down payment sa loob ng isang taon dahil kung hindi forfeited automatically ang contract.

Lessons to learn po ito sa lahat ng ating mga kababayan, kung bibili kayo ng house and lot o kahit lot lang, basahin po ninyo maigi ang kontrata.

Huwag po kayong makipagkontrata kung hindi ninyo kayang sundin ang mga nakasaad sa pipirmahang ninyong kasunduan.

Sa mag-asawang PESCA, basahin at tingnan po ninyong mabuti ang pipirmahan ninyong kontrata.

Sa HOMEMARK, maraming salamat po sa inyong paglilinaw at sana ay maging aral din ito sa iba pang real estate company.

Sa mga opisyal ng Homemark na nadawit ang pangalan sa naisulat nating kolum … I stand to be corrected.

Muli, maraming salamat po sa inyong paglilinaw.

SAMAR PROVINCIAL OFFICIAL VIP PLAYER SA RESORTS WORLD GENTING CASINO

HABANG maraming taga-LEYTE at SAMAR ang hindi pa alam kung ano gagawin sa pananalanta sa kanila ng super bagyong si Yolanda, namataan naman ng ating mga impormante ang isang provincial official na naglalaro sa VIP Genting room ng RESORTS WORLD CASINO.

Matatagpuan po ‘yang GENTING na ‘yan sa third floor ng Resorts Worst ‘este’ World Casino.

Hindi po natin masasabing napadaan lang si provincial official kasi isa siya roon sa mga tinatawag na LONG PLAYING maglaro as in MAGDAMAGAN!

Naku naman, Mr. PROVINCIAL OFFICIAL, tubuan ka naman ng konting kahihiyan at kilabutan ka naman sa pinaggagagawa  mo.

Kahit na nga hindi gaanong nasalanta ang probinsiya ninyo ‘e makiramay ka naman sa mga kalalawigan mong nasalanta.

Ibalik mo ‘yang KAPAL NG MUKHA MO kung saan mo man hiniram!

KONSEHAL NG MAYNILA, CALABARZON CONGRESSMAN LULONG DIN  SA SOLAIRE CASINO

HETO pa ang dalawang makakapal ang mukha.

Isang konsehal ng Maynila na mukhang lulong na rin sa kasusugal sa Solaire Casino.

Talaga naman, sa gitna ng napakalagim na kalamidad na nanalanta sa mga kababayan natin sa kabisayaan, nakukuha pang MAGSUGAL nitong kamoteng konsehal ng Maynila.

Hoy MAG-ISIP-ISIP ka naman kung paano ka makatutulong at hindi ‘yang lulong na lulong ka sa CASINO!

At si CALABARZON Congressman? Aba naman, kasama pa si MISIS na isa rin government official.

Nand’yan din sa SOLAIRE CASINO. Babad naman sa silat ‘este’ slot machine. Parang kinakausap pa raw ‘yung slot machine para tumama ng jackpot.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.7630 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *