Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 kelot sugatan sa videoke bar

Sugatan ang dalawang lalaki nang pagsasaksakin sa loob ng videoke bar habang nasa kasarapan ng inuman sa Pasig City kahapon ng madaling araw .

Kinilala ni Pasig City chief of Police P/Sr. Supt. Mario Rariza ang mga biktimang sina Conrado Castillo, 46, security guard, residente ng Montes St., Caloocan City, at Gerome Adun, 24, residente ng Greenwoods Subd., Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Mabilis na nakatakas ang dalawang suspek na nasa katabing mesa ng mga biktima habang nag-iinuman.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 3:30 ng madaling araw sa loob ng Tatanibs Videoke Bar, sa Sandoval Ave., Brgy. Pinagbuhatan ng lungsod.

N ag-iinuman ang mga biktima habang ang dalawa ay nasa kabilang mesa nang magkaroon ng hindi pagkakaintindihan.

Gayonman nagawang payapain ng may-ari ng nasabing bar ang kaguluhan at nagsibalik na sa kanilang mga upuan ang dalawang grupo.

Lingid sa kaalaman ng mga biktima, naglabas ng armas ang isa sa mga suspek, lumapit sa kabilang mesa at walang sabi-sabing sinaksak sina Castillo at Adun saka mabilis na tumakas.

Isinugod pa sa pinakamalapit na hospital ang mga nasugatan para malapatan ng lunas habang inaalam ng otoridad ang pagkakakilanlan sa mga suspek.                                     (MIKKO BAYLON)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …