Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Iniwang bagahe sa taksi nagpatrapik sa Roxas Blvd

TRAFFIC, tensiyon at takot ang idinulot ng iniwang bagahe sa loob ng isang taxi sa southbound ng Roxas Boulevard, Maynila, kahapon ng umaga.

Isinara ng mga kagawad ng Manila Police District – Bomb Squad sa mga motorista ang bahagi ng Padre Burgos hanggang T.M. Kalaw nang respondehan ang taxi driver na si Rene Cayabyab na nag-ulat na na may kahina-hinalang bagahe na iniwan sa kanyang sasakyan ang isang pasahero.

Inilikas ng mga awtoridad ang mga turistang nasa harapan ng bantayog ni Dr. Jose Rizal at ibinawal ang paglapit sa taxi.

Ayon kay Cayabyab, sumakay sa tapat ng Manila Hotel at nagpapahatid sa Makati ang babaeng pasahero.

Nagulat si Cayabyab nang pabuksan ng babae ang pinto ng taxi saka nagmamadaling bumaba at inabandona ang kanyang gamit.

Alas 10:40 a.m. nag-negatibo sa bomba ang bagahe nang masiyasat ng MPD – Bomb Squad at tumambad ang mga damit, tuwalya at passport ng isang babae sa loob ng bagahe.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …